Saturday, May 23, 2026

PNP chief, iniutos ang masusing imbestigasyon sa mga “secret meeting” kaugnay ng missing sabungero case

Iniutos ni Philippine National Police Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang masusing imbestigasyon sa umano’y mga “secret meeting” sa pagitan ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero at mga sinibak na pulis na iniuugnay sa nasabing kaso.

Ayon kay Nartatez, hindi lang pagtataksil sa mandato ang ginagawang anumang aksyon sa labas ng PNP kundi pagtataksil sa tiwala at kumpyansa ng mga taong pinagsisilbihan nito.

Nabatid na isa sa ang kaso missing sabungeros sa mga pinaka-kontrobersyal at hindi pa nareresolbang imbestigasyon sa bansa matapos mawala ang ilang cockfighting enthusiasts mula 2021 hanggang 2022.

Nauna nang ibinunyag ng Napolcom ang umano’y pagkakasangkot ng dalawang pulis sa pagpapadali ng mga lihim na pagpupulong sa pagitan ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero at mga sinibak na pulis.

Ayon sa PNP na kasabay ng imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang isinasagawang internal probe naman sa loob ng organisasyon.

Tiniyak din ng Pambansang Pulisya sa publiko na isasagawa ang imbestigasyon nang patas at walang pinapaboran at mananagot ang sinumang opisyal na mapatutunayang nakialam sa nasabing kaso.

Facebook Comments