Ilang opisyal ng H-World Paramilitary Organization sa Palawan, nasakote ng mga awtoridad

Arestado ang 9 na opisyal kabilang ang isang Heneral ng kontrobersyal na H-World Paramilitary Organization sa Palawan dahil sa illegal possession of firearms.

Base sa ulat ni PRO-MIMAROPA Regional Director Police Brigadier General Sidney Hernia, kinilala ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang lider ng mga naaresto na si Michel Blanco “self-proclaimed” General ng H-World United Nation Military Philippine Government- World INTERPOLCOM (International Police Commission).

Kabilang din sa mga naaresto sina: Sgt. Joel Magbanua, Sgt. Jerry Tulambing, Sgt. Wilfredo Tatic, Capt. Juan Selose, TSgt Rodrigo Tacani, Maj. Noel Bergante, 2nd Lt. Robert Reyes, at 2nd Lt. Rogerio Sedan.


Naaresto ang mga ito sa H-World Headquarters, Morningstar Building, Purok Republic, Barangay IV Roxas, Palawan kahapon matapos silbihan ng search warrant.

Narekober sa kanila ang iba’t ibang armas at bala.

Kasunod nito pinapurihan ni Danao ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon kasabay ng pagpapaalala sa publiko na ang H-World ay hindi legitimong organisasyon at walang kaugnayan sa anumang law enforcement agency.

Facebook Comments