Ilang residente at may-ari ng maliliit na negosyo sa Pangasinan ang ginagamay pa rin ang paggamit ng e-wallet bilang paraan ng online payment transaction para sa kanilang mga kostumer.
Ayon sa kanila, nahihirapan pa rin silang gumamit nito dahil nangangailangan ng maayos na koneksyon sa internet upang maisagawa ang transaksyon at makapagbayad ang kostumer.
Bagamat gumagamit na rin sila ng mga e-wallet tulad ng GCash, sinisiguro muna nilang ligtas ang kanilang transaksyon upang hindi mabiktima ng online scams o pandaraya.
Ilang bayan sa lalawigan, tulad ng Bayambang, ang nagsusulong na rin sa paggamit ng Paleng-QR payment bilang alternatibong paraan ng pagbabayad sa mga business establishment.
Facebook Comments









