ILANG SPECIMEN SAMPLES MULA AKLAN NEGATIBO SA COVID-19 INFECTIONS ITO’Y AYON SA PHO NG LALAWIGAN

Kalibo, Aklan – 14 confirmatory test results ng mga specimen samples mula Western Visayas Medical Center ang natanggap ng Aklan Surveillance Unit kahapon May 3, 2020 at ayon sa Provincial Health Office PHO-Aklan, lahat ang mga ito ay negatibo sa Corona Virus Disease COVID-19 infections.
Samantala ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. may 62 test samples pa ang hinihintay nila ang resulta kung saan ipinadala sa nasabing sub-national laboratories, ito aniya ay mga specimen samples ng 5 nagpositibo sa COVID-19 para sa kanilang repeat confirmatory test at mga specimen samples ng 37 Aklanon repatriated overseas workers na ngayon ay naka hotel quarantine.
Ayon pa kay Dr. Cuachon, ngayong araw ang schedule ng pagkuha naman ng swab samples ng 5 drivers ng southwest tours na naka quarantine sa Aklan Training Center. Ang 5 drivers na ito aniya ang siyang nagmaneho ng sasakyan na sinakyan naman ng mga repatriated OFW’s mula sa mga lalawigan ng Iloilo at Guimaras na nagpositibo sa COVID-19 infections.

Facebook Comments