Wednesday, April 15, 2026

Mahigit P73-million na confidential funds ng OVP, pinapasauli ng COA

Pinal na ang pasya ng Commission on Audit (COA) na ipasauli sa Office of the Vice President (OVP) ang P73.28 million na confidential funds na ginastos noong December 2022.

Sa impeachment hearing ng House Committee on Justice ay sinabi ni COA auditor Atty. Gloria Camora na ibinasura ng COA ang apela hinggil dito ni Vice President Sara Duterte at nina OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta at chief Accountant Julieta Villadelrey.

Ayon kay Camora, ang nabanggit na pinal na desisyon ay may petsang April 10, 2026 na nilagdaan nina COA Chairperson Gamaliel Cordoba at Commissioners Mario Lipana and Douglas Mallillin.

Ang naturang halaga ay bahagi ng P125 million na confidential funds ng OVP na ginastos sa loob lang ng 11 araw noong December 2022.

Kabilang dito ang P69.787 million na ginamit bilang “rewards” at P3.5 million na ginugol sa iba’t ibang kagamitan tulad ng mga lamesa, upuan at computers.

Binanggit naman ni Camora na bukod ito ay nag-isyu na rin ang COA ng tatlo pang notices of dissallowance para sa confidential funds na ginastos ng OVP noong first, second, at third quarter ng 2023.

Facebook Comments