Pormal nang idineklara ang Ilocos Region bilang kauna-unahang rehiyon sa Pilipinas na insurgecy free.
Ito ay makaraang pirmahan kahapon ng Joint Regional Development Council 1 (RDC), Regional Peace and Order Council 1 (RPOC), at Regional Task Force 1 (RTF-ELCAC), ang Resolution No. 1 s. 2022 na nagdeklara ng “State of Stable Internal Peace and Security” sa Region 1.
Ang signing ceremony ay isinagawa kahapon sa EM Royalle Hotel & Beach Resort sa San Juan, La Union.
Ayon kay Northern Luzon Command Commander (NOLCOM) Lt. Gen. Ernest Torres Jr., sa pagtatapos ng insurgency sa Ilocos Region, gagawin ng NOLCOM ang lahat para matapos na ang aktibidad ng mga teroristang komunista sa iba pang rehiyon sa kanilang area of responsibility.
Matatandaang inutos ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan na ang kilusang komunista sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino.