Iloilo, ipinagdiwang ang pagkapanalo ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe PH 2020

76

Ipinagdiwang ng buong siyudad at lalawigan ng Iloilo ang pagkakakorona kay Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerrry Treñas, proud ang buong Ilonggo Community sa tagumpay ni Mateo.


Si Mateo aniya ay sumasalamin sa kanilang lungsod na patuloy na bumabangon sa kabila ng mga hamon.

Patunay na ‘phenomenal’ si Mateo at ‘heartfelt’ ang kanyang kagandahan.

Nagpaabot din ang alkalde ng good luck sa beauty queen at tiniyak na patuloy nila siyang susuportahan.

Ikinalugod din nila ang sagot ni Mateo sa question and answer portion kung saan tinanong kung sang-ayon ba siyang itampok si dating Senador Miriam Defensor Santiago sakaling magkaroon ng bagong paper currency.




Ikinokonsidera ni Mateo ang namayapang senadora bilang pinakamahusay na Pangulo ng bansa.

Facebook Comments