Monday, May 4, 2026

Liderato ng Kamara, umapela na itigil na ang pagpapakalat ng fake news

Iginiit ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba sa mga problema ng ating bayan.

Sa kanyang talumpati sa pagbabalik ng session ng Kamara ay umapela si Dy na ihinto na ang pagtatanim ng pagdududa sa isip ng taumbayan.

Binigyang diin ni Dy na walang ibang hangarin silang mga mambabatas kundi ang makapaglingkod, at gawin ang kanilang mga responsibilidad.

Facebook Comments