
Nakaditine na sa Taguig City Police Station ang 33 years old na nahulihan ng hindi lisensiyadong baril at mga bala.
Kinilala ang suspek na si alyas Kevin na naaresto kahapon sa kanyang bahay sa PNR Site Compound, Barangay Western Bicutan.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre 38 na baril na walang serial number, itim na sling leather bag at limang piraso ng bala.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Search Warrant na inilabas ni Loralie Cruz Datahan, Executive Judge ng Branch 69, Taguig City, dahil sa paglabag nito sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments










