
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na nananatiling nasa maayos na operasyon at kundisyon ang Agus at Pulangi hydroelectric power plants kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon sa DOE, base sa latest assessment ng National Power Corporation, walang nakitang pinsala sa naturang mga pasilidad.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOE at ng NPC na mahigpit nilang mino-monitor ang mga kritikal na energy infrastructure.
Layon nito na matiyak na magpapatuloy ang supply ng kuryente sa rehiyon habang isinasagawa ang mga pagsusuri sa iba pang mga pasilidad.
Facebook Comments










