
Biniberipika na ng awtoridad ng Pilipinas ang impormasyong nasa Cambodia o Thailand umano ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla , iniimbestigahan nila ang nasabing impormasyon na ito na mula kay Julie Patidongan na “star witness” ng kaso ng mga missing sabungeros.
Kung saan iniimbestigahan na rin nila kung dumaan ito ng backdoor.
Paliwag ni Remulla, ayon umano sa mga ulat kasabay ng exodus ng mga POGO sa bansa kung saan lumipat ang mga ito sa Cambodia ay nagkaroon rin ng operasyon ng online sabong sa nasabing lugar si Ang kung kaya’t baka umano nakapag-set up siya doon ng network.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa mga awtoridad doon para maberipika ang nasabing ulat.










