INFORMATION OFFICERS NG DAF-ARMM, lumahok sa KAUNA-UNAHANG NATIONAL INFORMATION CONVENTION SA BANSA!

Naging bahagi ang Information Officers ng Department of Agriculture and Fisheries-ARMM sa kauna-unahang National Information Convention sa bansa na isinagawa kamakailan sa Davao City.
Layunin ng kombensyon na may temang “Spurring National Development and Empowering Communities Through Information” na mapagtibay ang ugnayan at relasyon ng mga pribado at publikong sektor ng mga mamamahayag upang makapaghatid ng malawak at tamang kaalaman sa mamamayan.
Sa tatlong araw na pagtitipon ay mas lalo pang naunawaan ng mga partisipante ang mga programa at patakaran ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang pakay ay mas mapaunlad ang mabuting relasyon sa pagitan ng gobyerno at ng media.
Ang aktibidad ay nilahukan ng halos 2,000 katao, pinangasiwaan ito ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Facebook Comments