Thursday, May 28, 2026

Nangyaring shooting incident sa Senado at umano’y pagtakas ni Sen. Dela Rosa, tinitingnang “related” o magkaugnay ng CIDG

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Robert Morico II na tinitingnan nila na “related” o magkaugnay ang nangyaring shooting incident sa Senado at ang umano’y pagtakas ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
 
Ayon kay Morico, ang kanilang imbestigasyon ay naisumite na sa Department of Justice (DOJ), na siya namang ayaw pangunahan ang magiging findings ng naturang ahensya.
 
“Outside of his paycheck” naman ang naging sagot ni Morico nang tanungin kung may pananagutan din ba si Senate President Allan Peter Cayetano dahil sa nauna nitong pagbibigay ng protective custody kay Senator Dela Rosa.
 
Aniya, ipinaubaya na niya sa DOJ ang sagot sa naturang tanong batay sa magiging ebalwasyon nito.
 
Tiniyak naman ni Morico na patuloy silang magbibigay ng mga karagdagang ebidensya sa DOJ kaugnay ng nasabing insidente.

Facebook Comments