Ang naturang malawakang aktibidad ay binuksan para sa lahat ng kababaihan nang walang anumang hinihinging requirements. Bukod sa aktwal na medikal na pagsusuri, nagkaroon din ng isang seminar upang mas mapalawak ang kaalaman ng publiko ukol sa mga nakamamatay na sakit na maaari namang maiwasan.
Binigyang-diin ng nakatalagang OB-Gyne ang kahalagahan ng pagdaraos ng mga ganitong uri ng libreng check-up sa komunidad.
Tampok din sa screening ang pamamaraang Visual Inspection with Acetic Acid o VIA. Ayon sa mga eksperto sa usaping medikal, malaki ang gampanin ng prosesong ito upang maagang matukoy at tuluyang maiwasan ang paglala ng sakit na cervical cancer.
Umaasa ang lokal na pamahalaan at ang mga katuwang na sektor ng kalusugan na ang ganitong dagsa ng mga kababaihan ay hudyat ng mas mataas na kamalayan sa pangangalaga sa sariling katawan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







