Monday, June 1, 2026

Vietnam president, nasa Pilipinas para sa dalawang araw na state visit

Nasa Pilipinas si Vietnamese President at General Secretary ng Communist Party of Vietnam Tô Lâm para sa dalawang araw na state visit.

Ayon sa Malacañang, makasaysayan ang pagbisita ni Lâm sa bansa dahil ito ang unang state visit ng isang lider ng Communist Party of Vietnam.

Makikipagpulong siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw para talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng kalakalan, seguridad sa pagkain, depensa, edukasyon, at turismo.

Matapos nito ay sasaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa ilang kasunduan at haharap sa isang joint press conference.

Kasabay ng pagbisita ni Lâm ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Vietnam at ika-10 taon ng kanilang Strategic Partnership.

Facebook Comments