Isa lamang sa mga malaking retailer sa bayan si Gina Baldueza-Caoile, na epekto umano ng pag-usbong ng mga department stores at pagtangkilik sa mga online shopping apps ag matumal na bentahan ng school supplies, ilang linggo bago ang pasukan.
Malaking pagbabago din umano na kanilang naobserbahan ay ang paisa-isang pagsulpot ng mga costumer sa kabila ng bahagyang pagmura ng presyo ng mga produkto.
Samantala, isang retailer din na tumangging humarap sa camera ang sang-ayon sa magandang presyuhan ng school supplies sa kaslaukuyan dahil sa pagbaba o parehas sa dating presyo ng mga papel ngunit bahagyang pagtaas naman ng mga panulat at pangkulay.
Sa kasalukuyan nasa, nasa P18-20 notebook; Ballpen P8-P35; Pad paper P20; Crayola P30-P80; Bag P300-P700 Class A ngunit nakadepende sa klase ng bibilhin.
Sa kabila nito, positibo silang dadagsain ang kanilang mga pwesto sa paparating na linggo pagkatapos ng Brigada Eskwela, dahil sa mga mamimili na naghahanapng mas kalidad na produtko at ayaw ng lumayo dahil umano sa mainit na panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








