INFRA PROJECT NA SUPER HEALTH CENTER SA ALAMINOS, INAASAHANG MATATAPOS SA DISYEMBRE

Sa pag-update ng mga proyekto tulad ng mga imprastrakturang ipinapatayo sa lungsod ng Alaminos, inaasahang sa buwan ng Disyembre matatapos na ang pagpapatayo sa Super Health Center (Phase 1) sa naturang lungsod.
Ayon sa official facebook page ng LGU Alaminos, malapit na sa limampung porsyento o 50% ang accomplishment ng ipinapatayong Super Health Center base sa perspective design at on-site photos na kanilang ibinahagi.
Ang ganitong klase ng big ticket at mass-oriented infrastructure project ay kinuhanan ng pondo sa pamahalaang lungsod-Alaminos at ng Department of Health.

Sa pagpapatayo ng mga imprastrakturang may kinalaman sa pangkalusugan ay tiyak na mas makakatugon ito sa pangangailangan at mailalapit pa sa mga residente sa Alaminos City ang mas de-kalidad na serbisyo pagdating sa usapin ng kalusugan.
Matatagpuan ang kasalukuyang isinasagawang Super Health Center na ito Barangay Bolaney, Alaminos City. |ifmnews
Facebook Comments