
CAUAYAN CITY- Matagumpay na nailagay ang mga CCTV cameras sa LGU Compound at Centro Poblacion ng Gamu, Isabela.
Ito ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang seguridad at kapayapaan sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng mga CCTV na ito, mas mabilis na makakaresponde ang Gamu Command Center sa anumang insidente sa nasabing mga lugar.
Plano rin ng pamahalaan na maglagay ng mga CCTV sa iba pang barangay na itinuturing na kritikal ang seguridad.
Bukod dito, may mga itinalagang indibidwal na magbabantay sa mga camera nang 24/7 upang masiguro ang tuloy-tuloy na monitoring.
Samantala, ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na magbigay ng agarang aksyon at karagdagang seguridad para sa mga Gamueño.
Facebook Comments