DEPED SANTIAGO, NAGHAHANDA NA PARA SA CAVRAA MEET 2025

CAUAYAN CITY- Ang Schools Division of Santiago ay nagsagawa ng 1st Regional Special ManCom Meeting bilang paghahanda para sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2025 na gaganapin sa Abril sa Lungsod ng Santiago.

Dinaluhan ito ng regional office at mga kinatawan mula sa iba’t ibang dibisyon ng rehiyon, kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Cauayan City, Tuguegarao City, at Ilagan City.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang pagtutulungan at kahusayan ng bawat dibisyon para sa tagumpay ng palaro.


Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng puspusang paghahanda ang Lungsod ng Santiago, sa pangunguna ng City Government of Santiago at Department of Education, upang matiyak ang maayos at ligtas na CAVRAA Meet 2025.

Facebook Comments