
Cauayan City – Apektado ngayon sa nararanasang mga pag-ulan ang ilang magsasaka mula sa Brgy. Gagabutan, Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Rolito Tambaoan, tinatayang nasa 4 na ektarya pa ng bukirin sa bahagi ng Purok 5 at 6 ang hindi pa natataniman ng produktong mais o gulay dahil sa malambot na lupa.
Aniya, hindi kaya ng tractor na araruhin ang lupa dahil lulubog lamang ito, hindi katulad noong kalabaw pa ang ginagamit sa pag-aararo na kahit malambot na lupa ay kayang-kayang bungkalin.
Sinabi ni Kagawad Tambaoan na ito ang madalas na suliranin ng mga magsasaka na nasa mababang bahagi ng kanilang lugar dahil oras na hindi pa tumigas ang lupa, hindi na makakapagtanim ang mga ito dahil masyadong na silang nahuli at aabutan na ng panahon ng tagtuyot.
Hanggang ngayon, sinabi ng kagawad na naghihintay pa rin ang mga magsasaka na tuluyang lumambot at umaasang umaasang makakahabol pa sa pagtatanim.