INSURANCE | NPC, nanawagan sa Facebook

Manila, Philippines – Nanawagan ang National Privacy Commission (NPC) sa Facebook na magbigay ng identity theft at phishing insurance sa nasa 750,000 Filipino users na naapektuhan ng data breach nitong Setyembre.

Ayon sa NPC, nakukulangan sila sa aksyon ng Facebook para matugunan ang data breach.

Inatasan na rin ng NPC ang social media giant na magsumite ng komprehensibong data break notification report at i-abiso ito sa mga apektadong users.


Dapat ding gumagawa ang FB ng programa na magpapataas ng kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa identity theft at phising.

Facebook Comments