
Sa ika-14 na pagdinig ngayong araw, nagpasya ang House Quad Committee na alisin na ang ipinataw na contempt at detention order laban kay dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief Wilkins Villanueva noong Disyembre 2024.
Hakbang ito House Quad Committee makaraang kusang sumuko si Villanueva sa Kamara nitong January 13, 2025 kaakibat ang pangakong makikipagtulungan sa pagdinig ukol sa operasyon ng iligal na droga.
Nag-ugat ang pag-contempt at pagpapakulong ng komite kay Villanueva noong nakaraang taon dahil sa paulit-ulit nitong pagtanggi sa pagkakasangkot sa warrantless arrest ni Jed Pilapil Sy.
Si Sy ay misis ng hinihinalang drug lord na si Allan Sy na konektado sa Dumoy shabu laboratory na sinalakay sa Davao City noong 2004.
Facebook Comments