SC, ipinatigil ang disqualification ni Francis Leo Marcos sa 2025 elections

Pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema ang disqualification kay Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos na makalahok sa 2025 midterm elections.

Ito ay matapos maglabas ang SC ng Temporary Restraining Order (TRO) sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na ideklara si Mangusin bilang isang nuisance candidate na epektibong magdiskuwalipika sa kaniya na makalahok sa darating na halalan.

Magugunita idineklara ng poll body na isang nuisance candidate si Mangusin noong November 2024, na tumatakbo noon sa pagka-senador.


Iniapela ni Mangusin ang desisyon ng Comelec ngunit kalaunan ay tinanggihan ito, dahilan upang iakyat nito ang kaniyang kaso sa SC.

Pinaboran din ng SC ang petisyon ni Noel Rosal payagan na kumandidato matapos na diniskiwalipika ng Comelec na kumandidatong kandidato sa pagka gobernador ng Albay.

Facebook Comments