Isa na namang aplikante, natulungan ng DZXL RADYO TRABAHO; Pang-apat na sa mga na-hire ngayong buwan ng Enero!

Si Henry Roy Santos, 40-anyos at residente ng 2523 Delpan St. Sta Ana, Manila ay magsisimula nang magtrabaho sa isang restaurant sa Taft Avenue bilang assistant cook.

Kwento ni Henry, mahigit 1 taon na siyang naghahanap ng trabaho hanggang sa mapakinggan sa DZXL ng kanyang tatay ang mga job opening ng Radyo Trabaho.

Dahil dito, pinapunta siya ng kanyang tatay sa DZXL para magbakasakaling makahanap ng trabaho.


Ayon kay Henry, agad siyang inasikaso ng RT team at pinapunta agad sa isang kompanya noong Lunes (January 14) at natanggap din kinabukasan din (January 15).

Lubos naman ang pasasalamat ni Henry sa Radyo Trabaho ng DZXL dahil masusuportahan na niya ang kanyang pamilya at 2 anak na nag-aaral.

Payo ni Henry sa mga wala pang trabaho — habang may buhay may pagasa!

Sa mga nais din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resumē o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming Radyo Trabaho Hotline882 2370 o magtext sa Radyo Trabaho Textline 0967-372-9017…

Sa mga nais magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
o mag text sa radyo trabaho textline: 0967 372 9014

SA RADYO TRABAHO, WALANG PERSONALAN… TRABAHO LANG!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Facebook Comments