Isang estudyante, nahulihan ng marijuana sa istasyon ng LRT sa Maynila

Arestado ang isang 21-anyos na estudyante matapos makuhanan ng marijuana sa LRT line-2 aa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang estudyante na si Kenny Francis Pelipel, college student ng San Beda University at residente ng Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal.

Sa impormadyon nakuha ng DZXL RMN Manila, napansin ng mga guwardiya ng southbound lane ng LRT line-2 partikular sa Legarda Station ang estudyanye na tila balisa habang nakapila.


Nang ipa-check ang kaniyang bag, dito na nakita ang marijuana nanakalagay sa maliit na plastic container kasama na ang dalawang glass tube pipes.

Agad na dinala sa Sampaloc Police Station ang estudyante kung saan kasalukuyan siyang isinasailalim sa interogasyon para malaman kung kanino nito nabili ang marijuana.

Facebook Comments