Friday, April 17, 2026

Isang buwang toll fee exemption para sa cargo vehicles na magbibiyahe ng mga agri-products, epektibo na sa April 20

Epektibo na sa April 20 ang isang buwang toll exemption para sa mga accredited cargo vehicle na may kargang produktong agrikultural.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang Department of Transportation (DOTr) at ang Toll Regulatory Board (TRB) ang nagplantsa ng naturang hakbang, para mapagaan ang gastos, mapatatag ang presyo ng mga pagkain, at maprotektahan ang mga magsasaka sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Nagpapasalamat ang kalihim sa tollway concessionaires dahil sa pakikiisa sa diwa ng “bayanihan” sa panahon ng krisis.

Maaari namang mapalawig ang toll exemption, depende sa resulta ng review.

Sa pagtaya ng DA, inaasahang magkakaroong ng “savings” dahil sa toll waiver.

Para sa 1,162 trucks na accredited sa ilalim ng Food Lane program, ang savings ay P1,500 hanggang P3,000 kada biyahe, o nasa P52 million hanggang P105 million sa loob ng isang buwan.

Facebook Comments