ISANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA PAG-IINGAT NG BARIL

Arestado ang mga awtoridad ang isang indibidwal dahil sa iligal na pag-iingat ng baril sa Paracelis, Mountain Province noong Disyembre 20, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas Conrad, 30-taong gulang, at residente ng Barangay Poblacion, Paracelis, Mt. Province.

Ayon sa nakuhang impormasyon sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR), nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa isang lalaki na nakahandusay na sa kalasingan at may sukbit na baril sa kanyang bewang sa isang bakanteng bahay sa kahabaan ng Paracelis-Natonin National Road.

Agad naman nila itong nirespondehan, at ng makarating sa nasabing lugar ay tumambad sa kanila ang isang lalaking inilarawan ng tumawag.

Dahan dahan umanong hinugot ng mga pulis ang baril sa beywang ng lalaki at tsaka ginising ito.

Nang hingian ng dokumento ng baril ay bigo umano ang lalaki na mag pakita nito dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Ang suspek ay ang nakumpiskang baril ay dinala sa Paracelis Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.

Mahaharap din si alyas Conrad sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments