BYAHERO NGAYONG HOLIDAY SEASON, DUMADAGSA NA

Halos sunod-sunod na ang mga taong nagsisipagtungo ngayon sa ilang mga ticket booth sa terminal ng Cauayan City upang mag pareserve pauwi ng Maynila ngayong palapit na palapit na ang pasko at bagong taon.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Annttonette Asuncion, dispatcher sa isang kilalang bus company, sinabi nito na unang linggo palang ng Disyembre ay sunod-sunod na ang nagpupunta sakanila upang kumuha ng ticket.

Mas marami na rin ang pasahero ngayon taon kumpara noong nakalipas na mga taon bunsod ng mahigpit na ipinatutupad na protocols sa buong bansa dahil sa pandemya.

Sa dami ng mga byahero ngayon ay pinapayuhan ang lahat na mas mabuting maaga pa ay magpareserve na.

Dahil pagsapit ng huling linggo ng buwan ng Disyembre ay siguradong punuan na ang lahat ng mga bus at inaasahang mahaba-haba ang magiging pila sa mga ticket-an.

Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng nasa P900 ang bayad sa pamasahe mula Isabela patungong Baguio City.

Nasa P800-900 naman kung Maynila.

Mayroon ring ibinibigay na 20% discount para sa mga estudyante, senior citizens, at pwds; habang 10% discount naman para sa mga single mom.

Facebook Comments