Thursday, April 16, 2026

Isang kilalang Pinoy rapper at anim na iba pa, arestado kaugnay ng illegal possession of firearms at droga sa QC

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang Pinoy rapper na si Gabriel Abilla o mas kilala na “Hev Abi” at anim na iba pa sa bisa ng search warrant para sa kasong illegal possession of firearms sa Brgy. Laging Handa, Diliman, Quezon City noong April 14.

Ayon kay CIDG-NCR Regional Director PCol. John K Guiagui, nakatanggap sila ng mga impormasyon na may baril ang nasabing nahuling suspek na nagdudulot ng panganib sa mga pinupuntahan umano nitong lugar.

Nang puntahan ng mga operatiba para ihain ang warrant sa suspek, bukod pala sa baril ay nakumpiska rin ang 11 cartridges na naglalaman ng hinihinalang liquid marijuana, apat na sealed transparent plastic na naglalaman ng cocaine at paraphernalia na naglalaman ng hinihinalang marijuana na nagresulta sa pagkaka-aresto sa anim na kasama niya sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, lumabas din sa ulat ng pulisya na nagpositibo si Hev Abi sa shabu at marijuana at ang anim na iba pa ay sa marijuana.

Sa ngayon na-inquest na ang nasabing mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at ang incidental lawful search- violation ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, may dalawa pang at large na kakasuhan pa ayon kay Guiagui.

Facebook Comments