Isang Lalaki, Arestado dahil sa Iligal na Pagsusuot ng Uniporme ng Pulis!

173

*Tumauini, Isabela- *Timbog ang isang lalaki matapos na magsuot ng uniporme ng PNP sa Brgy. Lingaling,Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Freddie Madriaga, 38 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. San Mateo, Tumauini, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Tumauini kaugnay sa iligal na pagsusuot ni Madriaga ng uniporme ng pulis habang nakikisabong sa loob ng arena sa nasabing lugar.

Agad na hinuli sa sabungan ang suspek nang ito ay makita ng mga rumespondeng pulis.

Dinala na sa Tumauini Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 493 o Illegal Use of Uniforms or Insignia of Persons not in Service.

 

Facebook Comments

From Advertisers