Saturday, June 20, 2026

PBBM, balik-bansa na matapos palakasin ang ugnayan ng ASEAN at Russia

COURTESY: Presidential Communications Office

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Russia Commemorative Summit sa Kazan, Russia.

Ayon sa Pangulo, naging mahalaga ang biyahe upang mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Russia at iba pang mga bansa sa ASEAN.

Kabilang sa mga natalakay ang pagpapalawak ng kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, agrikultura, edukasyon, at iba pang larangang makatutulong sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

Nakipagpulong din si Pangulong Marcos kay Russian President Vladimir Putin upang pag-usapan ang mga paraan para higit pang mapalawak ang kooperasyon ng Pilipinas at Russia.

Sinabi ng pangulo na nagkasundo rin ang mga lider na palakasin ang pagtutulungan sa mga usapin ng seguridad at iba pang hamong kinahaharap ng mga bansa sa rehiyon.

Nagpasalamat naman ang pangulo sa Russia sa mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pilipinas at muling tiniyak ang patuloy na pakikipagtulungan ng bansa sa mga kaalyado nito sa rehiyon.

Facebook Comments