Monday, June 22, 2026

PPCRV, naghahanap ng mga volunteers para makatuwang sa BARMM elections

Nangangailangan ang non-government organization na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng libo-libong mga volunters.

Nasa 30,000 volunteers ang hinahanap ng PPCRV para tumulong sa papalapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre.

Ayon kay PPCRV Regional Chairperson Fr. David Procalla ng Archdiocese of Cotabato, ang mga volunteer ay itatalaga sa iba’t ibang election-related activities.

Kabilang dito ang poll watching, voter education, election monitoring, at pagmamando sa voter assistance desks sa rehiyon.

Ang mga interesadong indibidwal ay maaaring makipag-ugnayan sa kani-kanilang parish priests o PPCRV provincial at municipal coordinators.

Facebook Comments