
Pinapayuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na i-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang July 31.
Ayon sa LTO, pagkatapos ng nasabing petsa, sasailalim na sa umiiral na mga patakaran at multa ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew.
Nabatid na pinalawig ang bisa ng driver’s license, conductor’s license, student-driver’s permit, at rehistro ng sasakyan, gayundin ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal, matapos ipatupad ng LTO ang three-month validity extension.
Ang mga lisensya at rehistro na nag-expire noong April o pagkatapos ng nasabing buwan ay nabigyan ng extension dahil sa State of National Energy Emergency.
Facebook Comments










