Ganap nang bagyo ang isang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA kung saan tatawagin itong bagyong “Ester”.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong “Ester” sa layong 845 kilometers sa silangan ng dulong hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na 55 kilometers per hour.
Pero, sinabi ng PAGASA na posibleng lumabas na rin sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bukas o weekend ang bagyo.
Bagama’t wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na asahan na ang mga malalakas na pag-ulan dulot ng hanging habagat sa Bicol Region, Mindoro province, Samar province, Batangas, Quezon, Marinduque at Romblon.
Kabilang na rin ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa.
Ang naturang pag-ulan ay posibleng magdulot ng flash floods o landslides.