Pamilyang Furigay, nagulat at nalungkot sa nangyaring pagpatay sa ama ni Dr. Yumol

300

Inihayag ng pamilya ni dating Lamitan City, Basilan Mayor Rose Furigay na nagulat at nalungkot sila sa pagpatay kay Rolando Yumol, isang retiradong pulis at tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa nasabing dating alkalde.

Ayon kay Quirino Esguerra, abogado ng pamilya Furigay na humihiling sila sa Philippine National Police (PNP) ng malalimang imbestigasyon upang mahuli agad ang mga suspek.

Dagdag pa ni Esguerra, hindi patas na iugnay ang pamilya Furigay sa pagpatay sa umano’y ama ng bumaril.


Ang pagkakapatay sa matandang Yumol ay naganap ilang araw matapos ang pagpatay ni Dr. Chao Tiao Yumol kay dating Lamitan City, Basilan Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa nitong July 24 shooting incident sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City.

Sa insidente, nasugatan din ang anak ni Furigay na si Hanna.

Sa ngayon ay nakakulong na at sinampahan na ng patong-patong na kaso si Dr. Chao Tiao Yumol.



Facebook Comments