Monday, November 9, 2026

Isang Pilipinong seafarer, patay sa pagsabog ng oil tanker sa Persian Gulf; 21 iba pa, ligtas na

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na pumanaw ang isang Pilipinong seafarer kasunod ng pagsabog sa oil tanker na MT Velos Sapphire sa Persian Gulf nitong Huwebes, Nobyembre 5.

Sa kabila ng insidente, ligtas naman at nasa maayos nang kalagayan ang 21 iba pang Pinoy crew members na kasama sa nasabing barko.

Tiniyak naman ng DMW na nakahanda ang buong pamahalaan na magpaabot ng agarang tulong at financial assistance sa pamilya ng nasawing seafarer, kasama na ang pag-asikaso sa repatriation ng kaniyang labi at ang kinakailangang counseling para sa mga nakaligtas na kababayan.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog, kung saan kabilang sa mga pangunahing sinisiyasat ang posibilidad na nagmula ito sa isang drone attack.

Facebook Comments