Wednesday, November 4, 2026

“Secrecy discipline”, dapat panatilihin sa paghahanap ng mga high-profile targets ayon sa isang senador

Binigyang-diin ni Senator Ping Lacson na dapat panatilihin ang secrecy discipline sa paghahanap ng mga high-profile na target o paghawak sa mga sensitibong kaso na “live” o aktibo pang iniimbestigahan.

Payo ito ng senador sa gitna na rin ng aktibong pagtugis ng pamahalaan na hanapin at arestuhin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa

Sa post ng senador sa kanyang X account, tila nagbabala ito sa mga otoridad na susi sa matagumpay na pagtugis sa high-profile target ang “secrecy discipline” maliban na lamang kung ginagamit ang “disinformation” para kusang mapalutang at maaresto ang hinahanap ng mga otoridad.

Sinabi ni Lacson na dapat din namang ilabas nang mas maaga ang sensitibong impormasyon kung bahagi ito ng isang estratehiya upang mapalabas at mahuli ang target.

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap kay Dela Rosa makaraang matapos noong Biyernes ang isang linggong ultimatum na ibinigay sa kanya ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. upang sumuko.

Facebook Comments