Asahan ang malawakang kilos-protesta kasabay ng 49th ASEAN Summit sa bansa sa Nobyembre 16-18 ngayong taon.

Sinabi ni m Mimi Doringo, secretary general ng Kadamay, hindi welcome si US President Donald Trump sa bansa na dadalo sa summit.

Ito ay dahil pa rin sa niluluto ng Pilipinas at Estados Unidos na deal para sa pagtatayo ng Pax Silica sa bansa.

Ang Pax Silica ay isang pandaigdigang inisyatibang pang-ekonomiya at pangseguridad na pinangungunahan ng Estados Unidos.

Layunin nitong bumuo ng matatag at ligtas na mga supply chain para sa panahon ng artificial intelligence (AI), superintelligence (SI), at industriya ng semi-conductor.

Nakatuon ito sa pagtiyak ng sapat na suplay ng mga raw materials, mahahalagang mineral, microchips, makabagong pagmamanupaktura, at enerhiya.

Ayon kay Doringo, hindi kailangan ng bansa ang Pax Silica na bagama’t makakapagbigay ng trabaho ay makakasira naman sa kalikasan.

Ang pahayag ni Doringo ay kasabay ng isinagawa nilang kilos-protesta sa Mendiola sa lungsod ng Maynila kasabay ng National Day of Protest of the Urban Poor.

Una rito, nghihintay na ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng tugon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa draft framework agreement ng kontrobersyal na Pax Silica initiative, matapos makatanggap ng negotiating guidance mula sa Office of the President ayon sa Malacañang.

Bagama’t wala pang katiyakan kung malalagdaan ang kasunduan, umaasa ang pamahalaan na maisasagawa ito kasabay ng ika-49 na ASEAN Summit sa Maynila sa Nobyembre 16 hanggang 18.

Facebook Comments