Saturday, November 7, 2026

Senador, hiniling sa Japan na patawan ng zero tariff ang mga heated tobacco product at iba pang agricultural products

Nanawagan si Senate Foreign Relations Committee Chairman Erwin Tulfo sa pamahalaan ng Japan na pag-aralan ang hiling ng Pilipinas na alisin ang mga taripa sa mga produktong heated tobacco na gawa sa bansa.

Kasama rin sa hinihiling na patawan ng zero tariff ang mga prutas at iba pang produkto agrikultural na mula o gawa sa Pilipinas.

Sa pagdalo ni Tulfo kasama ang iba pang mambabatas sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas, layon ng hiling na ito na palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

Hindi pa kasama sa kasunduang ito ang mga produktong heated tobacco at iba pang mga agricultural products sa mga produktong may 90 percent na ibinawas sa taripa.

Naniniwala ang senador na hindi lamang nito matitiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produkto sa mga karatig bansa sa Asya kundi mapapalakas din ang mga industriyang manufacturing, agriculture at export ng Pilipinas na makakatulong sa higit pang pagpapasigla ng ekonomiya.

Facebook Comments