Isang pulis patay, 8 sugatan at 2 nawawala, matapos tambangan ng NPA sa Occidental Mindoro

Patay ang isang pulis habang sugatan ang walo at nawawala ang dalawa matapos na tambangan nang hindi mabilang na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Banban, Brgy. San Nicolas, Magsaysay, Occidental Mindoro.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) MIMAROPA Spokesperson Police Col. Imeda Tolentino.

Aniya, nagsasagawa ng Oplan Tambuli ang mga pulis sa Sitio Banban, Brgy. San Nicolas, Magsaysay, nang sila ay pagbabarilin nang hindi mabilang na miyembro ng NPA.


Dahil dito, nasawi si Police Executive Master Sergeant Jonathan B Alvarez, sugatan naman ang walong mga pulis na sina Police Staff Sergeant Dexter Sagun; Patrolman Armando Pulido; Police corporal Kim Jason Dimalaluan, PSSgt. Edwin Vergara; PSSgt. Michael Sualog; PSSgt. Michael Enero; PSSGg. Nolito Develos; at Pat. Danny Soriano.

Nawawala naman ang dalawang pulis na kinilalang sina PCpl. Stan Gonggora; at PCpl. Nicolas Estocapio Jr.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya sa lugar para matunton ang mga NPA na nanambang sa kanilang mga kasamahan.

Facebook Comments