Manila, Philippines – Tinawag na ng International Human Rights Group na “Human Rights Calamity” ang isang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Ayon sa New York-based Human Rights Watch (HRW), simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte noong June 30, 2016 ay lumobo na sa 7,000 ang bilang ng napapatay dahil sa giyera laban sa ilegal na droga.
Sa nasabing bilang, one-third nito ay nasawi sa legitimate police operations habang two-thirds ay dahil sa vigilante-killings.
Bukod sa mga patayan, sinabi ng HRW na hindi rin narespeto ang karapatan ng bawat isa habang dinedma lang ng Duterte administration ang mga panawagan imbestigasyon ng international community.
Ayon kay HRW at Deputy Asia Director Phelim Kine, nangako si Digong na po-protektahan ang karapatan ng bawat isa, pero hindi ito nangyari at bagkus ay patayan ang naganap sa kanyang kampanya.