ISULAN BOMBING | Bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, isinailalim na sa lockdown

50

Sultan Kudarat – Isinailalim na sa ”lockdown” ang bayan ng Isulan, Sultan Kudarat matapos ang panibagong pagsabog doon na ikinasawi ng isang tao at kinasugat ng 14 iba pa.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division, maaaring nasa loob pa ng munisipalidad ang nasa likod ng insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, inilagay ang bomba sa gitna ng isang internet cafe at Novo Department Store sa Kalawag 2, Isulan Proper bago tuluyang pinasabog bandang alas-7:30 ng gabi.

Hinala ng militar, ang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) muli ang nasa likod ng panibagong insidente.

Facebook Comments