Binisita ng lokal na pamahalaan ng Tagudin, Ilocos Sur ang Rosales, Pangasinan noong Lunes, Abril 13, upang makita ang pagpapatupad ng ilang proyekto at sistema sa lugar.
Kabilang sa mga sinuri ang itinatayong slaughterhouse facility sa Barangay Cabalaoangan Norte na sinimulan noong 2025.
Ayon sa ulat, inobserbahan ng mga opisyal ang operational at technical practices ng proyekto.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱81.88 milyon ang naturang slaughterhouse at inaasahang makapagbibigay serbisyo sa 1,693 kabahayan.
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 01, S-2024, itinalaga ang 200-meter radius na “no-build zone” sa paligid ng pasilidad upang matiyak ang pagsunod sa national safety regulations.
Batay sa tala, ang proyekto ay inaprubahan kasunod ng rekomendasyon ng Ilocos Regional Project Advisory Board noong Pebrero 2024 sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








