Binigyan ng isang linggong palugit ang mga food stall operators sa Bugallon Public Plaza upang itama at ayusin ang kanilang kalinisan at paraan ng paghahanda ng pagkain matapos ang isinagawang surprise inspection ng lokal na pamahalaan dahil sa ilang natanggap na reklamo.
Sa pangunguna ng LGU, katuwang ang Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), natukoy ang ilang kakulangan sa sanitation at food safety practices ng ilang nagtitinda sa plaza.
Ang nasabing palugit ay pagkakataon para sa mga vendor na makasunod sa itinakdang pamantayan bago pa man ipatupad ang mas mahigpit na aksyon laban sa mga lalabag.
Binigyang-diin din ng hakbang na ito para mas paigtingin at mapanatili ang kaligtasan ng mga mamimili at ang kaayusan ng mga pampublikong kainan sa bayan.
Kasunod nito, muling pinaalalahanan ang lahat ng food stall operators na panatilihin ang mataas na antas ng kalinisan at responsableng paghahanda ng pagkain upang maiwasan ang anumang panganib sa kalusugan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










