MAGKAKAPATID NA PHILIPPINE LOOPERS MULA ISABELA, DUMAAN NA SA PANGASINAN

Krisis sa langis pero gustong libutin ang buong Pilipinas? Walang problema kung sakay ka ng iyong Electric Vehicle – ‘yan ang pinatunayan ng Tikboy Brothers mula sa Burgos, Isabela.

Tinaguriang Philippine Loopers, E-Trike Edition ang paglalakbay ng magkakapatid na sina John Reymond Torres, Prince John Torres, at John Kendrich Torres o mas kilala bilang Tikboy Brothers.

sinimulan ng magkakapatid Kasama ang kanilang ama ang kanilang paglalakbay noong Marso 22, 2026 kung saan target nilang marating ang mga lugar sa Luzon hanggang Mindanao na sakay lang ang kanilang E-trike upang masungkit ang Guinness World Record nito.

Dumaan na ang mga ito sa ilang probinsya sa Norte gaya ng Cagayan, Ilocos Sur, at La Union hanggang makarating dito sa Pangasinan.

Base sa kanilang Facebook Page, nag-enjoy ang magkakapatid sa San Fabian beach, nagkaroon ng ilang mga bagong kaibigan sa Malasiqui, at pinatuloy sa tanggapan ng munisipalidad ng Mangaldan.

Sa bawat lugar na kanilang napupuntahan, nagkakaroon sila ng mga bagong kaibigan, bagong karunungan, at bagong alala-ala na dadalhin nila sa kanilang buong paglalakbay.

Sa kanilang memorable experiences sa paglalakbay, baon ng magkakapatid ang determinasyon, na kapag pursigido ka ay makakamit mo ang iyong pangarap sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments