Japanese Encephalitis, hindi pa maituturing na isang public health issue ayon sa DOH

Manila, Philippines – Kahit pa nakapagtala na ng 4 na death cases mula sa Pampanga dahil sa Japanese Encephalitis (JE), isang uri ng sakit na nakukuha dahil sa kagat ng lamok, hindi pa rin daw ito maikukonsidera bilang isang Public Health Issue hanggat hindi pa natutukoy ng Department of Health ang lawak ng lugar at laki ng populasyon na apektado nito.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, sa kasalukuyan kasi ay nagpapatuloy pa ang isinasagawa nilang surveillance para matukoy ang pattern ng mga nagkakaroon nito.

Inaantay na lamang aniya ng DOH na mairehistro sa FDA ang mga bakuna para sa Japanese Encephalitis, na agad naman aniya nilang ipamamahagi kung sakaling kakailanganin.


Base sa kanilang tala, mula January hanggang ngayong buwan ay nasa higit isang libo pa lamang ang reporter cases na kanilang naitatala kung saan 259 sa mga ito ay nagmula sa Pampanga.

Paalala ngayon ng DOH sa publiko, kagaya ng ibang mosquito borne disease, makabubuting hanapin ang mga pinamumugaran ng lamok at sirain, magsuot ng mahabang manggas at pantaloon, at panatilihin ang malinis na kapaligiran.

Facebook Comments