KABATAAN SA ASINGAN, NANGUNA SA BLOOD DONATION DRIVE

Nanguna ang mga kabataan sa Asingan sa isang mobile blood donation drive na isinagawa ng Red Cross Youth Council (RCY) ng Luciano Millan National High School.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter kung saan tumulong ang mga mag-aaral bilang volunteers sa pag-oorganisa at pagsuporta sa blood donation drive.

Layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na isabuhay ang humanitarianism at volunteerism sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 110 hanggang 120 miyembro ang RCY ng paaralan, kung saan mahigit 50 ang aktibong youth volunteers.

Mula nang maitatag ang organisasyon, nakapagsagawa na ito ng tinatayang 10 blood donation drives at nakalikom ng humigit-kumulang 500 hanggang 800 bags ng dugo na maaaring makatulong sa maraming pasyente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments