KADIWA NG PANGULO, NAGHATID NG ABOT-KAYANG PAGKAIN SA MANAOAG

Muling inilapit sa mga residente ang abot-kayang pagkain sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo sa Manaoag Auditorium.


‎Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, tampok sa nasabing aktibidad ang sari-saring produktong agrikultura at mga gawaing lokal mula sa mga magsasaka at maliliit na negosyante.

Dahil dito, mas naging madali para sa publiko ang pag-access sa mas murang bilihin habang direktang nasusuportahan ang kabuhayan ng mga lokal na prodyuser at MSMEs.


‎Layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng komunidad mula sa produksyon hanggang sa konsumo, habang isinusulong ang adbokasiyang “buy local, eat local.”


‎Patuloy namang isinusulong ang mga kahalintulad na inisyatibo upang mapanatili ang suporta sa sektor ng agrikultura at mapagaan ang gastusin ng mga residente araw-araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments