MODERNONG AGRIKULTURA, INILAPIT SA MGA MAGSASAKA SA PAGBUBUKAS NG LS TRACTOR REGION 1 SA BAYAMBANG

Isinusulong ang modernisasyon ng agrikultura sa rehiyon sa pagbubukas ng showroom ng LS Tractor Region 1 sa Brgy. Amanperez, Bayambang, noong Abril 15, tampok ang iba’t-ibang modelo ng traktora na angkop sa iba’t ibang uri ng lupa at pananim.


‎Layunin ng nasabing inisyatiba na mailapit sa mga magsasaka ang dekalidad at makabagong kagamitang pansaka upang tuluyang yakapin ang hakbang na magpapataas ang produktibidad.

‎Bukod sa showcase ng mga traktora, nagkaroon din ng aktuwal na demonstrasyon kung paano gamitin at pangalagaan ang mga makinarya, kasama ang impormasyon ukol sa warranty at after-sales support.


‎Nagbigay rin ng suportang pinansyal sa mga magsasakang nais magkaroon ng sariling traktora sa pamamagitan ng 10% down payment at mababang interest sa natitirang balanse kaya mas magiging abot-kaya ang pagbili ng makabagong kagamitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments