Iginiit ni Senator Win Gatchalian, na sa pagreporma ng sistema ng edukasyon ay kailangang tiyakin na taglay ng mga manggagawa ang mga kakayahang kinakailangan sa Fourth Industrial Revolution at pagbangon ng ekonomiya mula sa pinsala ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Gatchalian, nakita natin ngayong panahon ng pandemya na hindi na natin maaaring ipagpaliban ang ating kahandaan para sa malawakang paggamit ng teknolohiya sa iba’t ibang mga propesyon.
Dahil dito ay binigyang diin ni gatchalian na kailangang tiyaking taglay ng mga kabataan ang mga kakayahang kinakailangan sa gitna ng patuloy na modernisasyon.s
Tinukoy din ni Gatchalian, na base sa isang Discussion Paper ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ay mataas na rin ang demand ngayon sa larangan ng information and communications technology o mga trabahong may kinalaman sa data analytics, at high value-adding social skills.
Binanggit ni Gatchalian, na pinapatugunan din ng pag-aaral ang mga isyu sa basic education sector upang hindi mahuli ang workforce sa mga oportunidad para sa reskilling at upskilling.
Mahalaga din para kay Gatchalian na matupad ang rekomendasyon ng pag-aaral na palawigin ang mga programa ng technical-vocational education and training, lalo na para sa mga manggagawa na gustong magpalit ng direksyon ng karera.